Conquering Mt. APO's Agco-Kidapawan trail in Davao City.
"Somewhere between the bottom of the climb and the summit is the answer to the mystery why we climb "
I would like to present to you my kababayan Lily Arlos. This is her story. And I feel honored that she gave me the go signal to share this story with all of you.
Meet Lily Arlos in full gear just before the two-day climb to the peak of Mt. Apo. Yes, she is so ready for the climb.
Lily Arlos is gutsy. Look at her latest conquest in Davao! Can you beat that?
Lily with a yellow phyton.
Lily narrated this: Agco kidapawan trail kami. Bihira lang ang dumadaan sa trail na yun kasi mahirap unlike sa ibang trail ng Mt.Apo. Umakyat kami April 8, 2012 patapos na ang holy week kaya paakyat pa lang kami pababa na ang mga locals at ibang mountaineers na umakyat ng holy week.
On the way up the mountain, they saw a group of Manobo children with make-up on their faces.
About dun sa bata manobo tribe ng Mindanao. Hindi ko alam nagtaka rin ako bakit naka make-up siya. Hindi ako familiar sa tribe nila. Natuwa lang ako sa kanya kaya kinuhanan ko sya ng picture. Actually kahit yung ibang bata naka make-up din sila.
Sobrang hirap nung climb namin kasi sa sobrang dami ng umakyat nung holy week wasak na wasak ang daan sobrang putik pa kasi laging umuulan dun rain forest kasi.
Ha ha ha, kahit sinong mountaineer hindi kayang I explain yan kung anong napapala namin sa kakaakyat. Kung anong nakukuha namin. Tanong ko rin yan sa sarili ko while trekking kapag feeling ko hindi ko na kayang ihakbang ang paa ko pero kapag nakarating kana sa summit kapag nakita mo kung anong meron sa taas wow! Iba! Hindi ko ma-explain ang feeling. Sabi nga "Somewhere between the bottom of the climb and the summit is the answer to the mystery why we climb and only through suffering can we find ourselves."
Cha: May ginagawa ka ba na preparation o exercises b4 ka umakyat?
Lily: He he. Wala. tamad akong mag exercise
Hiking na ang exercise ko, Ha ha! Kaya yung 1st climb ko nung 2008 nagka trangkaso ako kala ko hindi na ko makakapag summit. Until now wala akong preparation kapag may upcoming climb.
Nag start ako 2008. 1st climb ko major agad.sa Mt.Pulag Benguet via Akiki trail o mas kilala sa tawag na killer trail. Hindi ko expected na major pala yun kala ko minor lang at day hike lang 3days pala.pero buti na lang naka survived
At the summit of Mt. Apo
Top of the world.
They managed a smile kahit sobra na silang pagod sa two days na climb na halos walang tulog.
The view from the summit. Ka level mo na ang clouds!
Lily at the summit.
Mahilig si Lily mag pose sa top ng mga bato na nag-ba-balancing act.
Sobra ang fog kasi ka level mo na ang ulap. Ha ha ha!
Lily Arlos at Mt. Apo, Davao City. Nakuha nila ng two days ang dapat ay three days na climb.
Congrats Lily!
Despite the difficulty of the climb, nothing compares with the happiness that we feel when we conquer a mountain.- Lily Arlos