Gumanti lang daw si Raymart Santiago after di umano una siyang sinuntok ni Ramon "Mon" Tulfo at sinipa ang kanyang asawang si Claudine Barreto. Mali na nga po si Ramon "Mon" Tulfo sa pagsipa kay Claudine bakit po kailangan po na kuyogin ninyo yung pobreng matanda. Tsk! Wala po akong kinikilingan pero po kung mangyari yan sa Tatay ko o Lolo ko, aba magtago ka na talaga hindi ako papayag na ganunin mo lang ang Tatay o Lolo ko. Pero syempre emosyonal na rin si Raymart dahil sinipa nga daw di umano ni Ramon "Mon" Tulfo si Claudine na isang babae, pwede rin naman po na hindi ninyo gantihan yun matanda idemanda ninyo ng Violence against Women and Children. Ako personally ayaw ko ng violence and I believe you could not justify a wrong with another wrong.
This is my own opinion at sana po hindi ninyo masamain. Claudine Barreto-Santiago and Raymart Santiago, both of you are public figures/ celebrities in a public place. If I were the one who witnessed your outbursts at NAIA3 Claudine Barreto-Santiago, I'll take not only photos but videos to document the entire incident.
I would not surrender my phone too because it is my personal property. Why would I surrender my iphone 4s for example? Ano siya hilo???? Eh Php 38,500 kaya yan. Bakit ko ibibigay?
Igalang po natin ang mga nakakatanda sa atin. Hindi ko po sinasabi na pilitin ninyo ang sarili ninyo na irespeto sila pero sana po kaunting empathy naman po paano po kung Tatay o Lolo ninyo yan? Sa mga kalalakihan, matuto din po kayong igalang ang mga babae huwag po kayong mananakit o mang tadyak ng babae please.
Sorry if my opinion is different from yours. But I still hope that the parties involved will forgive one another and move on.