Did you know that the one who concocted the concept of the mermaid character is the very cute and lucky child Ryzza Mae?
Vic Sotto revealed that fact at the recently concluded blogger conference in Quezon City. “Dun sa episode ng Sirena, kung tutuusin siya sumulat nung script na yun eh. Dun sa isang show namin tinanong niya si Bibeth Orteza, 'Direk puwede ba ako maging sirena?' Gusto kasi niya maging sirena, isa sa mga pantasya niya yun. Eh mukha namang butanding paano mangyayari?(laughs). So tinanong siya ano ng gagawin pag naging sirena siya? Sabi niya, 'Dun lang ako sa kuwarto, itatago ako ni tito Vic dun. Kung dito lang ako sa kuwarto madali ang shooting.'Gagawin na sana ni direk Bibeth pero sabi ko huwag na, i-save na lang natin for a bigger one. I-develop na lang natin para full-blown pelikula na. So pati yung mga eksena dun, yung mga sitwasyon, karamihan galing sa kanya. Titingnan tingnan mo lang malakas din ang tama eh(laughs). She's very creative,” he said.
Nung una nga parang gusto ko gawin yung Sirena lang pero nagbabago pa isip ko. Gusto namin gawin yung pagka-horror na pangbata. Walang gumagawa ng horror na pangbata eh. Tapos meron naman nag-suggest na gawin namin fantasy, yung may prinsesa para mala-Frozen. So naisip na mabuti pang gawing tatlo. Ganun nagsimula yun. Akala ko madali (laughs). Pero aaminin ko mahirap. It was very challenging especially for this kid kasi mas iba iba yung role niya dun eh. May sirena, she had to undergo scuba diving lessons, mga swimming techniques. Karamihan ng eksena sa tubig siya. Makikita mo naman sa bilbil eh, pag walang bilbil hindi siya yun (laughs).Tapos yung sa horror may pagka-Himala yung peg niya dun eh, to wear a wig na mahaba buhok, mala-ate Guy ang dating tapos naka-harness siya dun and all that stuff. It was very challenging for her and I am proud to say she was able to deliver. And hindi lang basta basta deliver kundi todo delivery. Magaling,” he further quips.
In terms of budget, My Big Bossing is also a product Vic said they have really invested in for the MMFF. It also boasts of three of the country’s biggest directors Tony Y. Reyes, Marlon N. Rivera and Bb. Joyce Bernal and is the the collaboration of three of the country’s biggest film production outfits: Octoarts Films, M-Zet TV Production and APT Entertainment. “Ang budgetnito times three. Para kaming gumawa ng tatlong pelikula eh. The running time maybe 30 to 40 minutes per episode pero yung budget niya wala sa running time eh. Makikita mo sa production design. For example yung bahay ni Ryzza na makikita niyo dun sa Taktak, walang bahay dun. Pinagawa lang ni direk Marlon Rivera yun sa ibabaw ng bundok. Nag-construct kami ng bahay tapos yung mga mala-palasyo, makikita mo sa production design. Sa Sirena episode naman mga underwater scenes, yung mga costume namin ni Ryzza. Mga budget namin dati is ganito eh times three ito yun kasi times three din yung set ng directors, staff and cast. Pero after seeing the finished product, sulit na sulit ito. Hindi ako mapapahiya. Hindi kami mapapahiya lalo na sa mga magbabayad para manuod ng sine."
My Big Bossing Opens on December 25, 2014 in theaters nationwide.
0 comments:
Post a Comment