It's Showtime Host-actor Vhong Navarro denied allegations that he raped a woman which provoked a group of men to attack him inside a condominium unit at The Fort in Taguig last January 22.
For the first time since the news broke on Friday, Navarro detailed what transpired on the night he was attacked.
Below is the transcript of Navarro’s full interview on “Buzz ng Bayan” which aired Sunday.
Boy Abunda (BA): Maraming salamat sa pagkakataong ito. Mula sa aking puso hindi ko inaasahan na tayo ay makakapag-usap dahil sa iyong kalagayan. Ang daming umiikot na mga usap-uspan. Maraming mga balita sa mga diyaryo at mga Internet. Ang pinaka-latest nga ay patay ka na raw. Bakit binabasag mo ang katahimikan mo?
Vhong Navarro (VN): Tito Boy, una po sa lahat, kinakabahan ako. Kinakabahan ako hindi lang sa sarili ko, kinakabahan ako para sa mga anak ko. Kinakabahan ako para sa pamilya ko kasi Tito boy 'yung ginawa nila sa akin, grabe. Binaboy nila ako, tinakot nila ako, pinaratangan na papatayin yung mga anak ko, yung mga magulang ko, pati ako.
Ang tagal ko na sa industriya, wala pa akong inagrabyado. Ginagawa ko ‘to kasi alam ko na pwedeng maulit ito. Kung sa akin nagawa ito, I’m sure sa mga maliliit na tao puwede nilang gawin. Pwedeng maulit ito. Pwedeng maulit.
BA: Hanggang saan ang laban na ito Vhong?
VN: Gusto ko lang sana ng justice. Gusto ko may mangyaring hustisya. Gusto kong may pagbayaran ang gumawa nito sa akin.
BA: Pupuntahan ko muna ang takot. Natatakot ka para sa mga anak mo, sa pamilya mo dahil pinagbantaan ka?
VN: Opo, kung magsusumbong ako sa mga pulis. Kaya pumasok po 'yung blotter. Ano po 'yun eh ...may pangba-blackmail po na nangyari.
BA: 'Yung blotter na pinirmahan mo 11:49, January 22. Iyan ay sinasabi mo isang uri ng…
VN: Nakalagay po doon is hindi nila itutuloy, hindi sila magrereklamo kasi nga may usapan. Ginawa lang 'yung blotter na 'yun just in case magsumbong ako, meron silang panghahawakn para sa akin.
BA: Ang ibig sabihin itong blotter na ito, may usapan. Pagkatapos ng blotter na ito, hindi ka magrereklamo, hindi ka rin magkwe-kwento, hindi ka rin magpapa-interview basta…
VN: Basta ibigay ko ang gusto nila na magbabayad ako ng P1 million. From P200,000, to P500,000 umabot pa ng P1 million at sinagad pa nila ng P2 million. Sabi ko hindi ko na po kaya. Damage ko daw dun sa babae.
BA: Nagbayad ka na?
VN: Hindi po.
BA: Ano ang inyong usapan? Kailan ka magbabayad?
VN: Kaya nila ako pinakawalan, sinoli 'yung cellphone ko para meron kaming transaction na magaganap na kailangan kong ibigay, kung nangyari siya ng January 23 ng madaling araw, kailangan ko daw ibigay ng hapon. Tatawag daw sila at magte-text kung saang bank account and saang bangko.
BA: Ano ba talaga ang nagyari? Paano kayo nagkita? Ang daming lumalabas na mga kwento. Diumano’y ikaw ay na-set up. Na-set up ka ng isang babae, dinala ka sa isang condo unit sa The Fort kung saan pagpasok mo mayroon ng mga tao, mga lalaking naghihintay, tinutukan ka. May isang bersyon naman na nagsasabing sumama ka sa isang girl sa isang unit sa The Fort at habang kayo ay nagtatalik, pumasok ang boyfriend, sumigaw ng rape at sigurado akong marami pang ibang bersyon. Ano ang totoo?
VN: Dalawang beses po ako pumunta doon. Pumunta po ako doon nung Friday, January 17 po, siguro mga 10:30 to 10:45 ng gabi ako pumunta doon. Sinundo niya ako sa lobby kasi daw mahigpit daw po doon ang guards.
BA: Sino ang babaeng ito?
VN: Si Deniece Milet Cornejo. Sinundo niya ako sa lobby dahil sabi niya mahigpit. Niyaya niya ako umakyat, may dala akong white wine dahil sabi niya kasi 'yun lang ang pwede niyang inumin.
BA: Magkaibigan ba kayo ni Deniece?
VN: Opo, kakilala ko na po siya two years ago pa.
BA: So ano ang intensyon mo ng pagdalaw mo nung January 17? Was it upon her invitation?
VN: Invitation niya po.
BA: First time ba ito or nangyari na ba ito dati?
VN: First time ulit naming magkikita after namin mag-meet two years ago. Siya 'yung nag-text sa akin kung kelan ulit kami magkikita. Kasi sabi ko noon kung magkikita kami, sana parang ASAP na. Busy siya. ‘I’ll text you na lang kung kailan pwede.’
BA: Was it a friendly meeting?
VN: Yes.
BA: Hindi mo girlfriend?
VN: No.
BA: So pagdating mo doon, sinalubong ka sa lobby, umakyat kayo.
VN: Opo. Sinamahan niya ako hanggang pagpasok. Nag-inuman kami. Kasi ako Tito Boy hindi ako gagawa ng move kung hindi siya nagpakita ng motibo na may gustong mangyari.
BA: Anong naganap?
VN: May nangyari po pero walang sexual intercourse.
BA: After that, nag-usap? Paano kayo naghiwalay? Paano natapos ang gabi?
VN: Maayos po ang paghihiwalay namin. Kasi kung ayaw niya, sana sumigaw siya ng rape, sana may kalmot ako pag-uwi, may galos ako, meron siyang galos or sakal pero wala po. Maliwanag po na gusto niya yung nangyari. Umalis ako, sinabi ko pa sa kanya na, ‘O isarado mo ang pinto kasi baka mamaya may pumasok pa sayo diyan.’ So sinara niya, ni-lock niya. Pumasok ako sa kotse.
Pauwi ako nag-text siya. Sabi niya, ‘Bad boy ka.’ Sa akin, ano ang ibig sabihin ng bad boy ka? Dahil ba hindi ko tinuloy na may mangyari? Hindi ko alam. Kaya ang sagot ko po, ‘I’m sorry bawi ako.’ Ibig sabihin, hindi pa rin natapos ang pagkikita namin doon dahil pwede pa akong bumalik at magpakita sa kanya. Tinatawagan ko siya, hindi niya sinasagot. Hanggang sa nakauwi na ako sa bahay, siya na 'yung tumatawag, hindi ko na nasagot.
Nag-text siya kinabukasan. Sabi niya pwede daw ba pag-usapan 'yung nangyari. Sabi ko, ‘Oo naman.’ Sabi niya ‘Puwede ka ba tonight?’ January 18 na ito, Saturday. Gusto daw niya mag-dinner kami sa bahay niya, magluluto daw siya. Sabi ko huwag na kasi hindi rin ako puwede. Set na lang next time. Nagbigay siya ng Monday, nagbigay siya ng ibang araw, ang binigay ko Wednesday.
Ang weird lang kasi nung time na 'yun, sweet na siya. Tinatawag niya akong sweetie, sinasabihan akong kumain ka na. From bad boy, biglang sweet na.
BA: These are text messages? Nasa iyo ito?
VN: Binura nila. So nung Wednesday na, tinanong ko ulit siya. Kasi malinis ang kunsensya ko eh. Sabi ko, ‘Tuloy ba?’ Sabi niya, ‘Oo tuloy.’ Sabi niya nga sa akin hindi na siya magluluto, ‘Magdala ka ng food ko.’ After nung ginawa kong iyon, pumunta ako sa The Fort, kumain kami ng friends ko sa isang restaurant, nag-take out ako ng food. Pinuntahan ko na siya mga ganoon din, mga 10:45 din. Kasi ang usapan namin 10:30, mga ganun.
Ito na. Nung nag-take out ako ng food, papunta na ako sa kanya, tumawag ako sa kanya. Sabi ko nandito na ako sa lobby. Sabi niya, ‘Okay na, diretso ka na. Kita na lang tayo sa elevator. Magkita tayo sa baba.’ Sabi ko, ‘Okay, akala ko kasi mahigpit eh.’ Yun kasi nung una ang sabi niya eh. Pagdating ko doon, 'yung guard, deadma. May dalawang yaya pang nakakita sa akin, kumaway pa.
Pagdating ko doon, ang tagal nung elevator bumaba. May bumukas na paakyat so sumabay na ako paakyat. Nagkita kami sa taas. Nagulat siya. Sabi niya, ‘Akala ko sa baba tayo magkikita?’ ‘Eh ang tagal ng elevator.’ Ito na papasok na kami, weird yung sinabi niyang line, doon na ako medyo kinabahan.
Pagbukas ng pinto, sabi niya, ‘Ikaw naman binigla mo ako, binigla mo ako, hindi pa ako nakapaglinis.’ Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo naman na pupunta ako.’ Paglagay ko ng food, papunta ako sa sofa, bigla siyang lumabas. Pagharap ko palabas na siya, may lumabas na lalaking nakatutok na sa akin na baril.
Tapos lumabas na si Cedric Lee. Una minumukhaan ko siya pero nagpakilala na rin siya sa akin. Ang ginawa niya tinali niya 'yung kamay ko, tinali niya 'yung paa ko. Yung ulo ko nilagay nila sa sahig tapos pinagsasapak ako ni Cedric.
BA: Ilan sila?
VN: Dalawa pa lang muna sila. Pinagsasapak ako. Tapos po nilalagyan ako ng busal sa bibig. Sabi nila, ‘Huwag ka sisigaw, kapag sumigaw ka papatayin ko pamilya mo, papatayin ko mga anak mo, papatayin kita.’ So hindi ako sumigaw, kalmado lang ako.
Nung na-blindfold ako, narinig ko may bumukas na pinto, may nagpasukan, may mga sumapak na po sa akin ulit, may gumulpi sa akin ulit. After noon, nilagyan pa rin ako ng busal sa bibig. Tinanggal 'yung blindfold, binaba po 'yung pants ko, vini-video po nila ako.
Mula sa sofa, nilagay nila ako sa kung saan ko nilagay 'yung food at pinapasabi nila sa akin: ‘Ako si Vhong Navarro, at ni-rape ko ang kaibigan ko.’ Nung mali ang sinabi ko, sinapak ako ulit ni Cedric. Sinapak po ulit ako. ‘Ayusin mo. Ulitin mo.’ Binaboy po nila 'yung itsura nung…
Ulitin ko daw 'yung sinabi ko na ako si Vhong Navarro and nang-rape ako ng kaibigan. After nun, pinaakyat 'yung shorts ko tapos nagbibiruan sila na sipain mo nga 'yan. Sa mga kasamahan po nila ito.
BA: Ilan sila?
VN: I think mga six or seven sila, 'yun ang bilang ko. Sinipa po ulit ako. Sinapak po ulit ako. Sabi nung naka-gray na lalaki na naka-body fit, ‘Bigyan mo ng P200,000 si Deniece, damage mo sa kanya.’ Sabi ko sige po. Gumaganon na lang po ako dahil natatakot ako. Baka later on ano na ang sunod nilang gawin, baka barilin na nila ako. Sabi ni Cedric, ‘Hindi, gawin mong P500,000.’ Tapos lumapit sa akin 'yung isang Mike, sabi niya, ‘O, dadalahin kita sa presinto. Ipapa-blotter kita. Proteksyon namin ito sa 'yo kasi baka magsumbong ka. Pero 'yung pagdadalahan ko sa 'yo, 'yung pagba-blotter-an natin, wala masyadong tao so safe ka pa rin.’ Ganun po sila. Sabi ko sige po. Binaba nila ako sa condo, nakita ako ng guard pero walang paninita na nangyari.
BA: Kailan ka tinanggalan ng mga tali?
VN: Tinanggal lang 'yung sa paa para makapaglakad po ako pero 'yung kamay naka-tape. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nilang blocking pero pinagsumbrero lang po ako na bumababa pero nakatali 'yung kamay ko. Sinakay nila ako sa van. Naka-shorts ako. Ziniplock pa lahat ng duguan.
During bumabiyahe po kami, humirit 'yung Cedric na ‘O imbes na P500,000 gawin mo ng P1 million.’
Hanggang sa nakarating na kami, medyo liblib po so pagpasok namin, medyo hindi ko masyado nakita kung prisinto po or kung ano. Pagdating doon, may logbook, nagsasalaysay na si Deniece. Kinakausap ako nung Mike, sabi niya, ‘Sinasabi ko sa 'yo, sundin mo lang gusto naming, ibigay mo lang 'yung gusto namin, wala kang video na lalabas. Walang media na lalabas basta ibigay mo lang yung usapan natin.’
During that, narinig ko sinasabi ni Deniece na nahuli daw kami sa akto na nire-rape ko siya kaya daw dumating at ginulpi ako. Parang ganun. Naririnig ko ng konti kasi habang kinakausap ako, naririnig ko lang si Deniece diyan banda.
BA: Sino daw ang nakahuli kung naaalala mo?
VN: Hindi ko na po [maalala]. After noon, pinapirma na ako sa blotter tapos tinawag ako ulit ni Cedric sa labas. Lumabas ako, tinawag ako ni Cedric, ‘Iimbes na P1 million, P2 million na.’ Sabi ko wala na akong perang ganun. Hindi ko na kayang ibigay 'yun, sabi ko hanggang P1 million lang. Bumalik ako doon, sabi ko sa pulis, kung pwede ako maghilamos kasi may mga dugo pa ako. Sabi nila kung pwede daw hingin side ko, sabi ko huwag na po.
BA: Sabi ng? Nakilala ka nila?
VN: Ng pulis. Opo, nung una po parang hindi kasi sobrang maga 'yung mukha ko. Sabi nila kung gusto ko ilabas statement ko. Sabi ko ayaw ko na po, natatakot ako. Kung ilalabas ko tapos nandoon sila, baka kung ano na namang gawin sa akin. After nun, sabi ni Mike ihahatid daw nila ako sa condo kung nasaan 'yung kotse ko. Lumabas 'yung Mike saglit, kinausap ko 'yung pulis sabi ko ‘Kung puwede po ba kayo ang maghatid sa akin?’ Nung hinatid po nila ako…
BA: Sinong naghatid sa 'yo?
VN: 'Yung pulis, kaya lang kasama 'yung Mike, may isa pang lalaki and mayroon pang isa. Kasama po nila itong mga sumama. Binaba nila ako sa kotse ko. Kumatok pa yung Mike tapos sabi, ‘O mag-ingat kayo.’
After noon, kinuha ni Mike 'yung number ko. Nakuha din ni Cedric 'yung number ko kasi para din sa transaction.
BA: Transaction dahil ang ibig sabihin 'yung P1 million kailan mo ibibigay?
VN: January 23.
BA: Ang inyong agreement ay ibibigay ang?
VN: Ang pera ng January 23.
BA: May oras?
VN: Wala po, wala ding lugar kailangan ko lang i-deposit. May binigay silang bangko. After nun, kumatok yung Mike tapos sabi nung Mike, ‘O ingat kayo.’ Sabi ko sa driver ko, ‘Isarado mo na yung bintana. Alis na tayo. Huwag mo na tignan iyan.’ Tapos tumawag. Tumawag at sinabi nung Mike sa akin na, ‘Walang lalabas na video, walang lalabas na blotter, walang lalabas sa media basta ibigay mo lang ang hinihingi namin ni Cedric. Tatawag siya sa 'yo bukas, ibibigay sa 'yo ang bank account. I-deposit mo lang doon, tpaos ang usapan.’ Sabi ko, ‘Opo.’ Natatakot po talaga ako Tito Boy. Ang pwede ko lang sagot ay opo, hindi ako pwedeng humindi.
BA: Anong naglalaro sa iyong isipan habang lahat ng ito ay nangyayari?
VN: Unang papasok siyempre din 'yung pananakot, pamilya ko, mga anak ko. Tapos 'yung career ko. Siyempre po after ng nangyari dito, siyempre 'yung kahihiyan ang pambababoy sa akin. Hindi ko alam kung anong kalalabasan nito sa lahat, sa lahat ng mga magulang, sa mga bata, sa mga kaibigan ko. Hindi ko po alam. Basta ang iniisip ko ngayon dito, gusto ko maging safe 'yung mga anak ko, gusto ko makitang safe 'yung pamilya ko dahil ayaw kong may mangyari sa kanila.
Hindi ako rapist. Hindi ako nagda-drugs. Matino akong tao, may takot ako sa Diyos. Mahal ko ang mga magulang ko. May respeto ako sa mga magulang ko kaya gusto ko kung ano ang gagawin ko, hindi gagayahin ng mga anak ko.
BA: Nagkaroon ka na ng pagkakataon makaharap ang iyong mga pamilya?
VN: 'Yun nga ang masakit eh. Sa gitna ng nangyari sa akin, ayaw ko sila sa tabi ko muna. Ayaw ko sila sa tabi ko kasi ayaw ko makita nila 'yung itsura ko. Ayaw ko na mawalan sila ng lakas ng loob kasi nung nakausap ko sila, gusto nilang gumanti kasi siyempre anak iyan eh. May ginawa sa tatay. Sabi ko hindi ganun. Ayaw ko po maawa sila, ayaw kong makita nilang ganito ako. Gustong gusto nila pumunta pero sabi ko huwag muna. Di bale kapag nakalabas ako dito, magkikita-kita naman tayo. Kasi gusto ko sila yakapin kaso puro kami telepono. 'Yung daddy ko ayaw ko papuntahin kasi may sakit 'yun eh. Pero sabi niya ‘Tatay mo ako, bakit wala ako diyan?’
BA: Vhong, pagkatapos ng pag-uusap na ito, ang daming pwedeng mangyari. Una, base sa iyong pagkwe-kwento, sumuway ka sa isang usapan dahil hindi dapat ito lumabas sa media, dapat walang nakaalam nito, may pinagkasunduan kayo. Anything can happen. Handa ka ba?
VN: Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, tulad nga ng sinasabi ko, kung nangyari sa akin ito, I’m sure pwedeng ulitin. Pwedeng mangyari ulit. Kundi man sa akin, sa iba pang mga kasamahan natin sa industriya or 'yung mga ordinaryong tao na walang mga kapit or 'yung mga walang kakilala, koneksyon. Kasi itong mga taong ito, malalakas ang koneksyon.
BA: Pwedeng may magsabi, ang baba naman ng P1 million. Ang baba naman ng P2 million.
VN: Kasi Tito Boy, paano kung nagbigay ako ng P1 million? Wala akong assurance kung ilalabas ba nila 'yung video or what.
BA: Vhong pagkatapos ng pag-uusap na ito, pwedeng may kumalat na video.
VN: Siguro 'yung video okay na po 'yun. Kanila na po 'yun.
BA: Patawad. Tanong lang ito. Itong video ba na ito ay naglalaman na nakikipagtalik ka?
VN: Hindi po. Ang video po na ito na nakita na binaboy ako from sa ari ko, sa private part ko, pinakita nila na medyo baboy na, at the same time 'yung video ko na sinasabi na ako si Vhong Navarro at ni-rape ko ang kaibigan ko. Pang-blackmail nila sa akin. Walang akong video na nakikipagtalik dahil hindi nangyari na nakipagtalik ako sa kanya.
BA: Nung nasa prisinto ka, nandoon si Deniece. Wala kayong pag-uusap? Hindi ka nagalit? Base sa kwento mo, parang naiba lahat ang kwento.
VN: Imbis na magalit ako that time, takot na takot na ako. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Sabi niya lang, ‘I’m sorry, Vhong.’ Ganun lang ang naaalala kong sinabi niya.
BA: Verbalized ito na humihingi siya ng paumanhin?
VN: Yes.
BA: Vhong, anong natutunan mo dito?
VN: Siguro huwag tayo magtitiwala kahit kanino kasi hindi natin alam kung sino ang mabuti at hindi.
BA: Huli na lamang. Ano ang dasal mo?
VN: Sana magkaroon ng hustisya ito dahil ayaw ko na pong maulit ito sa akin or kahit kanino lalo na sa mga ordinaryong tao. Kung nagawa sa akin, pwedeng mangyari sa kanila.
BA: Sa iyong mga tagahanga, ano ang nais mong sabihin?
VN: Sa mga sumusuporta po sa akin, salamat po muna sa lahat ng mga dasal niyo na hanggang ngayon po ay nagiging okay po ang aking kalagayan. Salamat po. At alam ko sa inyong hindi naniniwala, gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi po ako rapist. Hindi ko po magagawa 'yun. May takot ako sa Diyos. Kung mayroon man akong kasalanan, isa lang po yun. Sa girlfriend ko.
BA: Nasa tabi mo siya, ano ang sinabi mo sa kanya? Hindi ka niya iniwan.
VN: Sobrang pagpapasalamat ko dahil ito 'yung sinasabi kong pinaka-down ako sa buhay na talagang hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya muna inisip 'yung sarili niya kung ano mararamdaman niya, kung ano ang reaction niya kasi siyempre pumunta ako. Ang iniisip niya ako pa rin
BA: Humingi ka ng tawad?
VN: Sobra po akong humingi ng tawad na sana bigyan pa niya ako ng chance. Gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ako rapist. Hindi ko magagawa 'yun Tito Boy. Kaya ako humaharap dito dahil gusto ko pong sabihin ang totoo. Hindi ko mahilig magpa-interview kahit po sa mga anak ko, sa mga nangyayari sa buhay ko. Napaka-private ko. Never ko inamin na may girlfriend ako before pero sinasabi ko meron. Hindi ako mahilig magpa-interview pero this time, alam ko po ang totoo. Gusto ko itong sabihin at ayaw kop o maulit uli ito. Ayaw ko mangyari ito sa iba.
0 comments:
Post a Comment