7 September 2012
Ikinagagalak na ibahagi ng Tutuban Center na mula kaninang ika 1 ng umaga,
idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang "Fire Out" status sa
Cluster Building . Kasalukuyan ding ginaganap ang "mopping-up operations" sa
mga oras na ito.
Nais din naming pasalamatan ang mga magigiting na kalalakihan at kababaihan
ng BFP sa ilalim ng pamumuno ni General Santiago Laguna, pati na din ang mga
miyembro ng mga iba't-ibang volunteer firefighting organization dahil sa
kanilang walang sawang pagtulong. Nais din naming pasalamatan ang suporta ni
Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno,
Manila Mayor Alfredo Lim, at ang Manila Police District.
Dahil sa balitang ito, ang mga tagapamahala ng Tutuban Center, kasama ang
mga Cluster Building Tenant Association, ay maaari nang itutok ang atensiyon
nito sa pangangalaga ng mga pangangailangan ng mga tenant.
Maaari na ding makipag-coordinate ang mga tenant sa Tutuban Center Building
Administration o magtungo lamang sa Cluster Building Help Desk na
matatagpuan sa Loop Road Skybridge A.
Nagpapatuloy na din ang normal na operasyon sa Centermall, Prime Block,
Robinsons Supermarket at Robinsons Department Store.
Patuloy din kaming umaasa na aming malalampasan ang pagsubok na ito at
magsimulang magtrabahong muli para sa isang bago at maliwanag na bukas.
6 September 2012- 10am
So effective 10am today, Centermall 1 and 2 and Prime Block buildings have resumed normal or "business as usual" operations, including the Robinsons department store and supermarket. Safeguards are in place to ensure that the resumption of operations will in no way hamper fire control efforts.
We believe that the current situation is but a minor setback in the redevelopment of Tutuban Center. Management affirms its commitment to move towards a new and revitalized Cluster Building.
0 comments:
Post a Comment