Sining, aliw at kagalakan ang hatid ng gabi ng
pagbibigay pugay sa pinakamagagaling sa larangan ng pelikula. Ang ika-35 na
taon ng Gawad Urian ay ginanap noong Miyerkules ng gabi, June 13,2012 sa AFP
Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.
Nagsilbing mga hosts sina Butch Francisco, Angel
Aquino, Zoren Legaspi at Venus Raj at sinimulan ang programa sa awitin nina
Frenchie Dy at Eric Santos.
Ang magarbong gabi ay dinaluhan ng
pinakamalalaking artista. Naghandog naman ng makabayang awitin ang pinakamagagaling na mang-aawit ng bansa.
Sa kinalaunan ng gabi naihayag din ng mga
presenters at ng mga miyembro ng Manunuri ang mga nagwagi sa Gawad Urian.
Dalawa sa pinakamagaling na aktor ng kanilang henerasyon ang nagwagi ng
pinaka-aabangang papuri.
Tinanggap ni Paulo Avelino ang parangal para sa
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa pelikulang “Ang Sayaw ng Dalawang
Kaliwang Paa” habang tinanggap ni Maja Salvador ang parangal para sa
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres para sa pelikulang “Thelma”.
Emosyonal nilang tinaggap ang mga papuri at
malaki ang kanilang pasasalamat sa gawad. Napaluha si Salvador sa tuwa habang
yapos ang kanyang tropeo.
“Sa mga
manunuri, maraming salamat sa pagtitiwala at sa pagkilala sa lahat ng binuhos
ko sa Thelma,” ani niya.
Samantalang pinasalamatan naman ni Avelino ang
lahat ng may-akda sa mala-tulang pelikulang, “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang
Paa”. “Kung wala po kayo, ay wala rin po ako dito. Marami pong salamat,” ani ng
aktor.
Pinakamaraming natanggap na parangal mula sa
Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang pelikulang “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang
Paa” Nakuha nito ang Best Screenplay (Alvin Yapan), Best Supporting Actress
(Jean Garcia), Best Cinematography (Arvin Viola), at Best Music (Christine
Muyco at Jema Pamintuan).
Ang mga sumusunod ang nagwagi sa ika-35 na taon
ng Gawad Urian:
Best Picture: “Ang
Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Actress: Maja
Salvador “Thelma”
Best Actor : Paulo
Avelino “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Director: Alvin Yapan “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang
Paa”
Best Supporting Actress: Jean
Garcia “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Supporting Actor: Art
Acuña “Niño”
Best Screenplay: Alvin
Yapan “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Cinematography: Arvin
Viola “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Production Design:
Maulen Fadul “The Natural Phenomenon of Madness”
Best Editing:
Lawrence Fajardo “Amok”
Best Music:
Christine Muyco and Jema Pamintuan “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Sound:
Albert Michael Idioma and Addiss Tabong “Amok”
Best Documentary: “Tundong
Magiliw”
Best Short Film: “Sirip”
Ipinagkaloob ang Natatanging Gawad Urian sa
cinematographer na si Rody Lacap para sa kanyang mga pelikulang Itim, Batch ’81,
Kisapmata, Oro Plata Mata, Misteryo sa Tuwa at iba pa. Binigyan siya ng pugay
bilang isa sa mga henyo ng pelikula.
Ang ika-35 na Gawad Urian
ay kaakibat ng Cinema One at nang Film Development Council of the Philippines. Ipapalabas
ang engradeng awards night sa numero unong cable channel ng bansa. Huwag
palampasin ang gabi ng pagpupugay sa Hunyo 16, 2012, 11:00 p.m. na may mga
replay sa Hunyo 17, 4:00 p.m. at sa Hunyo 24, 10:00 p.m. sa Cinema One.
Available ang Cinema One sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang cable
operators. Para sa mga detalye tungkol sa numero unong cable channel ng bansa,
mag log-on sa
http://www.facebook.com/Cinema1channel.
0 comments:
Post a Comment