Isang mapagpalayang araw ng kasarinlan! Sa Pilipinas na ating bansa, marami ang nagtatanong kung tayo'y talagang malaya.
Sa ika-isang daan at labing limang taon ng Kasarinlan, talaga bang tayo'y malaya?
Minamahal mo ba talaga ang Pilipinas? Alam mo pa ba ang Panatang Makabayan?
Isabuhay natin ang pagiging Makabayang Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa. Sauluhin mo muli ang iyong kinagisnan panata.
Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at sa malansang isda.- Jose Rizal
Panatang Makabayan Old Version
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tunkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.
Paglilingkuran ko ang aking bayan ng walang pag-iimbot at ng buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.
Panatang Makabayan New Version By Raul Roco
Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungan maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.