Boy Abunda: "What would you be thinking during those times na wala na, tapos babalik na naman?"
KC: "Na baka, hindi siya sure sa kin or baka kasi araw-araw kami nagkikita, basta nagdi-date na rin ako ng iba... Then he came back nung April of 2010 and then sabi niya nung birthday ko, sabi niya sa akin give me another chance.."
Boy: “At binigyan mo siya ng isa pang pagkakataon?”
KC: “Opo naman, and after that, by October 2010, he asked me to be his girlfriend. And for me, ano lang, babae lang ako na nililigawan, na kinilig, ng sobra, kasi tingnan ka lang ni Piolo ng kunti, talaga namang di ba, as a girl kikiligin ka talaga. Ikaw ba ligawan ni PJ or somebody na kasing bait niya or ganyan kagwapo...”
Boy: “During this time, itong two years na nililigawan ni Piolo, sigurado ako, dahil meron akong nakausap na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa iyo, na hindi sila boto kay Piolo. Looking back, I mean ngayon, habang nag-uusap tayo naiintindihan mo ba kung bakit o saan nanggagaling yung mga opinion, yung mga boses na iyon?”
KC: “Napag-usapan naming iyon ni PJ and sinabi rin naman niya po sa kin, na meron din namang nagsasabi sa kanya daw na ayaw din nila sa akin for him. So sabi ko poproblemahin ba natin yun, yung ibang tao, kasi, anyone naman can have an opinion about you and anyone can have an opinion about me. Sabi ko wag nating pansinin yung ibang tao. If anything, ako sasabihin ko sa iyo, I trust you. So let’s make it a point, na kung anuman ang sabihin mo sa kin, kung anuman ang sabihin ko say o, yun yung paniniwalan ko.”
Boy: “What was the best thing about that relationship?”
KC: “It’s my first showbiz relationship, so I think the best thing is that, natuto ako na parang na mas mature talaga ako sa relationship na to. First relationship ko din na seriyoso talaga, na to the point na talagang, may mga bagay naman komportable, na nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept. Mas naiintindihan ko kung ano ang pagmamahal, yung mas accepting ako.”
Boy: “Ikumpara mo nga Kristina, ang October 21, 2010 at ang October 21, ng 2011?”
KC: “Naging klaro po sa kin, yung mga kaya ko at di ko kayang gawin bilang babae. Na minsan kailangan mo rin intindihin yung sarili mo, kasi bigay lang ako ng bigay. Naiintindi ko lahat, parang masyado ako nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako ng intindi, tinatanggap ko ng tinatanggap, yun pala hindi pala dapat ganun.”
Boy: “Kristina, in some of your interviews, may mga pagkakatong hindi naming masyadong maunawaan, ang sinasabi mo, especially when referred to wanting to speak up tungkol sa ilan bagay na may kinalaman kay Piolo Pascual, sa pag-uusap na ito, bakit ka nagsasalit ngayon, why are we talking about this, why the need to be able to tell your story.”
KC: “Tito Boy kasi, kailangan ko lang siyang gawin para sa sarili ko, ang dami po kasing nangyari.”
Boy: “Can I give you the word.. katinuan.. sanity?”
KC: “Opo”
Boy: “Katahimikan?”
KC: “Opo, ang dami po kasing nangyari in the last year na parang, bukod sa marami akong natutunan, at may mga masasayang moments din naman, ano lang talaga. Hindi kasi ako mahilig magkuwento ng problema naming sa iba, hanggat kaya ko pa, and I guess na yung time na na-realize ko na hindi na talaga to gagana, dalawa or tatlong buwan talaga akong pumapasok sa The Buzz every Sunday or sa ASAP na kunwari okay lang lahat, and kasi akala ko wala lang siya na akala ko parang hindi naman kailangan malaman ng ibang tao para maayos yung problem but then parang pag pumapasok ako Tito Boy tapos ng commercial break, hindi mo na talaga alam kung anung mararamdaman mo, dahil sa lahat ng pinagdadaanan naming and kulong nalang ako sa banyo … hindi ko na kaya siyang mag-isa. ”
Boy: “Diretsang tanong Kristina, hiwalay na ba kayo ni Piolo o hindi?”
KC: “(nodding..) Tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na parang, hindi ko na kayang lunukin. Hindi ko na kaya yung tanggapin. At kasalanan ko rin naman to Tito Boy, kasi ginusto ko naman to di ba. Gusto ko to eh, di ba, so kasalanan ko na rin sa sarili ko kasi pinaglaban ko pa eh, ginusto ko eh, tapos sobra sobra talaga akong nagtiwala, sobra!”
Boy: “May third-party ba?”
KC: “(mumbles..)”
Boy: “Kristina, gaano kasakit ang sakit?”
KC: “Sobra ho..”
Boy: “Galit ka?”
KC: “Ngayon ko lang po na realize na, opo.”
KC: “Ewan ko kung bakit paano nangyari. Yung pain at saka yung sama ng loob, naging galit. Na talagang nagugulat din ako kasi, first time ko rin na, parang napapamura na rin ako. Na parang hindi naman ako ganun. And bigla nalang akong, maiiyak, kasi hindi pala ako okay. And then siya parang, matatawa lang siya, kapag nakikita kung ininterview siya. Idadaan nalang niya sa joke. Parang ako, bakit ikaw ganyan, bakit ako, ganito? Bakit parang hanggang sa huli. Mag-isa lang ako dito. Anong sasabihin ko sa pamilya ko, anong sasabhin ko kay Mama na tanung ng tanong kung kami pa ba o hindi na. Kasi pagsinabi kung hindi na, magtatanong siya bakit. Anong isasagot ko sa kanya? Anong isasagot ko sa Lola ko na mahal na mahal siya? Hindi ko masabi kasi, hindi ko talaga masabi sa kahit sinong tao. Kung anong nangyari. ”
Boy: “Dahil pag sinabi mo kung anong nangyari?”
KC: “Ayaw ko lang pong makasakit ng tao”
Boy: “Humingi ba ng tawad si PJ?”
KC: “Opo, ganoon naman po si PJ, humihingi naman po siya ng tawad, pero ang point ng pagpapatawad ng isang babae, is para sana hindi na maulit. Kasi hindi ka naman magpapatawad na iisipin mong paulit ulit tapos paulit ulit kang magso-sorry.”
Boy: “Did he ask for a second chance?”
KC: “Tito Boy, binigyan ko siya ng second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance, pagdating ng eighth chance, parang narealize ko na hindi lahat ng problema dinadaan sa kilig, hindi lahat ng problema dinadaan sa tawa, hindi lahat nadadaan sa kilig. Kasi ang galing galing niyang magpakilig, ang tanga-tanga ko Tito Boy eh. Dumating lang siya sa point na parang, sandali lang. Hindi na natin inaanu yung tutoong nangyari kasi titingnan ka lang niya, ay wala na talaga nakalimutan ko nang lahat. Eh lagi na lang Tito Boy ganun.”
Boy: “Pero pagbalik mo dito sa Pilipinas, you left again, you went to the United States for a series of concerts kasama mo si Piolo, how was that like?”
KC: “Sobrang challenging Tito Boy, sobrang everday talagang nung tour na iyon, parang test, na parang exam. PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why! Araw araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami, parang tug of war talaga kasi ito yung taong minahal ko o mahal ko, pero sobra akong nasasaktan ngayon. Pero mahal ko siya. Pero hindi na talaga puwede. And araw-araw na magkasama kami iniisip ko dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang talaga, ni hindi natin na-enjoy.”
Boy: “Kristina, sa pinagdadaanan mong ito, sino ang kakampi mo? At saan ka humuhugot ng lakas?”
KC: “Talaga pong ngayong time na to, yung pinaka, never pa ko nakapagdasal ng ganitong sobra, Diyos na iyo, puwede ba ako magtiwala, eh Diyos yan, siya lang po ang nagging kakampi ko sa lahat.”
Boy: “Sa lahat ng nangyari sa iyo, naikuwento mo na ba lahat sa Mama si Sharon Cuneta.”
KC: “Tito Boy, kahit hindi ko pa po kinukuwento sa kanya, alam na po niya.”
Boy: “Sa palagay mo ano ang pagkukulang mo bilang girlfriend ni Piolo Pascual?”
KC: “Naniniwala naman ako na pagsinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon. Pero masakit mang sabihin, siguro, hindi ako yung kailangang niya sa buhay niya, dahil hindi ako ang hinahanap niya sa buhay niya, at hindi ko maibigay sa kanya yung kailangan niya. “
Boy: “What is the worst thing about that relationship?”
KC: “Uhmm, yung dahilan ng break up namin”
KC: “We’re civil with each other. Ang hiningi ko lang sa kanya huwag kang magagalit sa kin dahil nasaktan ako, huwag kang magagalit sa kin dahil hindi ako perpekto, huwag kang magagalit sa kin, dahil may mga bagay na hindi na kayang intindihin at tanggapin, huwag kang magagalit sa kin kung kailangan ko munang maramdaman to lahat, kung kailangan ko munang magrespond at magreact ng kung paano magreact ng isang normal na babae.”
Boy: “How are you coping?”
KC: “Siguro isa po ito sa kailangan kong gawin kasi habang hindi ko pa kasi nasasabi sa mga tao na ito na po iyon eh, parang ang hirap kasi, meron kang tinatago sa tao na hindi na kayo.”
Boy: “Kristina, are you walking away from this relationship ano yung pinakaimportanteng leksyon bilang babae.”
KC: “Magtira ka sa sarili mo, ang yung tiwala ng ibibigay mo sa taong mahal mo, dapat alagaan nung taong mahal mo”
Boy: “One wish?”
KC: “Na makahanap talaga ako ng true love!”
Other articles about KC Concepcion:
Other articles about KC Concepcion: