VIDEO - HE SAID, SHE SAID:The Kris Aquino vs. James Yap, The Saga Continues
Sizzling hot news from showbiz!
Who will win the fight for Bimby? Former husband and wife, James Yap and Kris Aquino, grabbed the headlines again the other day. The whole country was shocked when Kris Aquino filed a petition for TPO (Temporary Protection Order) against her ex-partner basketball player James Yap and the latter’s filing a Hold Departure Order against Kris and Bimby. Followed by Kris Aquino's announcement of quitting showbiz forever.
The feud between Kris Aquino and James Yap really stirred up the Filipino people's attention. Though this is not a national issue, it seems to me that the whole country is keeping watch about the development of this issue. The Filipinos all over the world are on standby and eager to witness how this story between two lovers turned enemies will end up.
With their respective statements, emotions and (crocodile?) tears, who between Kris or James is telling the truth? Who got your sympathies between the two of them? Should we believe Kris or James? Nakakaloka day!
HE SAID: James Yap’s Transcript About The Issue and His Firm Decision To Fight For Bimby
“Nasasaktan ako kasi ‘yung anak ko sobrang sama na ng tingin sa akin. As a father, sobrang nasasaktan ako, sinasabihan akong ‘I don’t like you, you’re a liar. Iniisip ko ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawa. Tinanong ko, ‘Sinong natuturo sa ’yo niyan?’ ‘Mama, mama.’ Ang ginagawa ko na lang kapag sinasabihan ako ng masama, sinasabi ko na lang, ‘Bimb tingin ka sa mata ni papa. Love na love ka ni papa,” sabi niya sa nasabing interview.
“Magpapaalam na sana akong umalis. Sabi ko ‘Bimb kiss mo na si Papa kasi aalis na.’ Nandoon si Kris, nandoon ang bata. Sabi ni Bimb ‘I don’t like.’ Ako naman, ‘Bimb kapag hindi mo i-kiss si Papa, iki-kiss ko si Mama.’ Tapos ang reaction ni Kris, ‘Yuck, yuck, yuck.”
“Ako naman, ayaw talaga ako i-kiss ni Bimby so lumapit ako kay Kris, hinawakan ko siya sa braso (sabay sample sa braso niya). Paghawak ko, sabi ko ‘Bimb look o, iki-kiss ko na si Mama mo.’ Tapos biglang si Kris nagsabi na ‘Sinasaktan mo ako, you’re hurting me.’ Parang sinasabi niya kay Bimb ‘Sinaktan ako ng Papa mo.’ Tapos siyempre ‘yung bata akala talaga sinasaktan siya.
“Nag-react ang bata gumitna sa amin tapos hinug siya. Pag-hug niya sabi ‘No no I don’t like you. Ang mukha ni Kris nang-aasar pa. Kaya sabi ko, ‘Ikaw talaga!’ Sinusumbong ko kay Bimb. ‘Bimb look at your mama’s face oh, she’s smiling.’ Tapos pagtingin ni Bimby, galit-galitan na naman siya.
“Never ko siyang sinaktan, never ko siyang ginamitan ng kung ano man. Takot ko lang kasi siyempre alam ko naman kung nasaan sila ngayon, nasa power sila. Hindi naman ako tanga na gagawin ko iyon.
“The next day, tinawagan niya ako. ‘Binabastos mo yata ako’. Sabi ko, ‘Anong binabastos? Hinawakan ka lang, binibiro ko lang para i-kiss ako ng anak ko tapos binabastos?’ Doon ko na binuhos sa kanya lahat ng hinanakit ko.
“Sabi ko ‘Hindi mo ba alam na tuwing sinasabihan mo si Bimby ng masama about sa akin, sinasabi sa akin ni Bimby? Kapag tinatanong ko sinong nagsasabi, ikaw ang tinuturo. Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo? Tatay ako ng anak mo. Baka nakakalimutan mo, gusto lang kita i-remind.’
“Tapos hindi siya nakapagsalita, binabaan ako. Tumawag ako ulit tapos sabi niya sa akin ‘Baka nakalimutan mo, may three years pa ang brother ko.’ Sabi ko, ‘Grabe ka naman ang yabang mo naman. Ang yabang yabang mo naman.
“Wala naman na akong pakialam kay Kris eh. Ang gusto ko lang makasama ang anak ko. Bakit ako sinisiraan sa anak ko? Para ano? Ano bang gusto niya? Tapos ngayon ina-accuse niya ako na rapist ako? Grabe naman iyon. Itong lumalabas ngayon sinasabi ni Kris rapist ako or kung ano man ang nakalagay diyan, walang katotohanan iyan,” mahabang paliwanag ni James sa kanyang interview na umere kagabi sa TV Patrol.
SHE SAID: Kris Aquino’s Transcript About The Issue and her Decision of Giving Up Her Career
“I’m giving up my shows. Hindi ko sinasabi ‘yan just so that I can say na I’m the one making the bigger sacrifice. Tinatalikuran ko ang mundo na kinilala ko na bumuhay sa akin dahil higit doon sa karera ko, mas mahal ko ang anak ko,”
“Paglaki ng anak ko, gusto ko malaman niya na ibinigay ko ang lahat. Dahil noong nabubuhay ang mommy namin, binigay niya ang lahat para sa amin. So ibinibigay ko ang lahat para sa anak ko. It’s not between James (Yap) and me and who is telling the truth. It’s about how much I love my son. Tama naman ang sinabi ng mga tao na kawawa na si Bimby so kailangan gawin ko ito para sa kanya.”
“It was a decision I made on the way here because my heart was breaking seeing how much my son was suffering. Hindi ginusto ni Bimby na maging ganito ang sitwasyon ng buhay niya pero at five years old, I owe him a future.”
“My sisters don’t know that this is what I was going to say. My lawyer doesn’t know that this is what I was going to say. Hihingi na ako ng paumanhin sa mga bosses natin. I asked myself on my way here because ilang beses ko nakausap si Bimb, ilang beses ko siyang tinanong dahil alam ko na malalaman niya itong pagsasalitang ito. Tinanong ko siya, ‘Bimb, is it okay if mama will talk?’”
“It broke my heart because ang sinabi ng anak ko, ‘Mama just say it’s Bimb.’ Sinabi ng anak ko na siya na lang daw. Ganun kalaki ang pagmamahal niya para sa akin so I asked myself, paglaki ko ba siyang harapin at sabihin na lahat kinaya kong isakripisyo para sa kanya?”
“I’m stating this now categorically, I have to make a sacrifice. They don’t deserve this, my family doesn’t deserve this suffering. I don’t want to be selfish for the rest of my life. Humihingi ako ng paumanhin lalong-lalo na sa lahat ng katrabaho ko na nandito ngayon pero sana maunawaan ninyo ako, I have to do what’s best for my son and that means sacrificing this career, sacrificing this job.”
“Inisip ko eh bago ko pa sabihin iyan, may sapat na ba akong naipon para maging komportable kami? Siguro ito na ang sinasabi ng mom ko dati na ‘Sana matuto ka maging simple.’ The only way that I can tell my son when he’s an adult na Bimb ginawa ko ang lahat para sa‘yo,”
“I don’t know. I can’t speak about forever, I can speak about what’s best for my son. Sa ngayon, sa puso ng isang nanay, ito ang idinidikta sa akin na gawin ko ito para sa anak ko,”