Sawikain o Idyoma

Sawikain o Idyoma
Ano ang Sawikain?

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga na nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. 

Marami sa mga Pilipino ay gumagamit ng Idyoma sa pag sasalarawan ng tao man, lugar, damdamin o pangyayari. Katulad na lamang ng mga sumusunod na halimbawa:

Alilang-kanin – utusang walang sweldo, pagkain lang.
Halimbawa: Sa obserbasyon ng aking tiya ang mga bloggers ay mai-kla-klasipika na mga alilang-kanin. ( Ito ay isang biro lamang pero masasabing may katotohanan kasi hindi naman po sinuswelduhan o binabayaran ang karamihan sa mga bloggers.)
Ahas – taksil; traydor


Halimbawa: Sa kabila ng mga ginawang kabutihan ni Berto sa nanghingi ng tulong sa kanya ay inahas pa rin siya nito.
Anak-dalita – mahirap 
Halimbawa:  Nagsisikap sa buhay si Pedro kahit siya ay isang anak-dalita.
Balitang-kutsero – balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
Balik-harap: mabuti sa harapan, taksil sa likuran 
Halimbawa: Ang ugali ni Melissa ay balik-harap.

Bahag ang buntot – duwag 

Halimbawa: Yung inaakala mo na magtatanggol sayo ay bahag pala ang buntot.

Basa ang papel – bistado na

Halimbawa: Huwag ka ng magsinungaling pa, Melissa. Basa na ang papel mo sa amin.

Bukal sa loob: tapat 


Halimbawa: Bukas sa loob niya ang pagtulong sa kapwa.

Butas ang bulsa – walang pera 

Halimbawa: Karamihan sa mga manggagawang pinoy ay butas ang bulsa.

Bukas ang palad – matulungin 

Halimbawa: Si Ver ay bukas ang palad sa mga kapus-palad.

Buwayang lubog – taksil sa kapwa 

Daga sa dibdib: takot 

Halimbawa: Dahil sa nangyari ay may daga sa dibdib siya na magtiwala muli.

Di makabasag pinggan – mahinhin 

Halimbawa: Akala mo ay di makabasag pinggan pero na loob pala ang kulo.

Ibaon sa hukay – kalimutan 

Halimbawa:Maari mo ng ibaon sa hukay ang inaasahan mong mga pagbabago sa sistema.

Ikrus sa noo – tandaan 

Halimbawa: Ikrus sa noo ang mga pangaral ng iyong magulang.

kidlat sa bilis – napakabilis 

Halimbawa: Ang mga pangyayari ay kidlat sa bilis.

Lawit ang pusod – balasubas 

Halimbawa: Nancy mag-ingat ka sa mga taong lawit ang pusod.

Mahapdi ang bituka – nagugutom 

Halimbawa: Mahapdi ang bituka ng mga dumalo sa event na yaon.

Makapal ang mukha – di marunong mahiya 

Halimbawa: Pinagmukha nila akong makapal ang mukha sa mga pinalalabas nilang kwento.

May ipot sa ulo – taong pinagtaksilan ng asawa 

Halimbawa:  Hindi matanggap ni Randy na may ipot na siya sa ulo dahil sa natuklasan.

Putok sa buho – anak sa labas 

Halimbawa: Si Melissa ay putok sa buho kaya ganyan siya magsalita.

Sampay-bakod – taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi 

Halimbawa:Dapat mag-ingat sa mga sampay-bakod ang bawat isa sa inyo.

Taingang kawali – nagbibingi-bingihan 

Halimbawa: Nang ipinahayag ni Cris ang kanyang panig ay nagtaingang kawali lamang sila Iris.

Tawang-aso – tawang nakatutuya 

Halimbawa: Tawang- aso si Annie ng kanyang makita si Bessie.

Tulak ng bibig — salita lamang, di tunay sa loob 

Halimbawa: Marami sa mga tao ngayon ay puro tulak ng bibig lamang ang sinasabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *