Search This Blog

USJ

https://affiliate.klook.com/redirect?aid=62622&aff_adid=857990&k_site=https%3A%2F%2Fwww.klook.com%2Fen-US%2Factivity%2F46604-universal-studios-japan-e-ticket-osaka-qr-code-direct-entry%2F
...

Today, I receive all God’s love for me. Today, I open myself to the unbounded, limitless, overflowing abundance of God’s Universe. Today, I open myself to your Blessings, healing and miracles.Today, I open myself to God’s Word so that I become more like Jesus Everyday. Today, I proclaim that I’m God’s Beloved, I’m God’s Servant, I’m God’s powerful champion, And because I am blessed, I will bless the world, In Jesus Name, Amen.

Featured Post

The Great Wall of China in Mutianyu

The Great Wall of China is referred to in Mandarin as Wanli Changcheng (10,000-Li Long Wall or simply very long wall) BEIJING, CHINA- S...

Saturday, June 16, 2012

SAKSIHAN ANG GAWAD URIAN SA CINEMA ONE NGAYONG SABADO


Sining, aliw at kagalakan ang hatid ng gabi ng pagbibigay pugay sa pinakamagagaling sa larangan ng pelikula. Ang ika-35 na taon ng Gawad Urian ay ginanap noong Miyerkules ng gabi, June 13,2012 sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.
Nagsilbing mga hosts sina Butch Francisco, Angel Aquino, Zoren Legaspi at Venus Raj at sinimulan ang programa sa awitin nina Frenchie Dy at Eric Santos.

Ang magarbong gabi ay dinaluhan ng pinakamalalaking artista. Naghandog naman ng makabayang awitin ang  pinakamagagaling na mang-aawit ng bansa. 

Sa kinalaunan ng gabi naihayag din ng mga presenters at ng mga miyembro ng Manunuri ang mga nagwagi sa Gawad Urian. Dalawa sa pinakamagaling na aktor ng kanilang henerasyon ang nagwagi ng pinaka-aabangang papuri.
 
Tinanggap ni Paulo Avelino ang parangal para sa Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa pelikulang “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” habang tinanggap ni Maja Salvador ang parangal para sa Pinakamahusay na Pangunahing Aktres para sa pelikulang “Thelma”.
Emosyonal nilang tinaggap ang mga papuri at malaki ang kanilang pasasalamat sa gawad. Napaluha si Salvador sa tuwa habang yapos ang kanyang tropeo.
 “Sa mga manunuri, maraming salamat sa pagtitiwala at sa pagkilala sa lahat ng binuhos ko sa Thelma,” ani niya.
Samantalang pinasalamatan naman ni Avelino ang lahat ng may-akda sa mala-tulang pelikulang, “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”. “Kung wala po kayo, ay wala rin po ako dito. Marami pong salamat,” ani ng aktor.
Pinakamaraming natanggap na parangal mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang pelikulang “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” Nakuha nito ang Best Screenplay (Alvin Yapan), Best Supporting Actress (Jean Garcia), Best Cinematography (Arvin Viola), at Best Music (Christine Muyco at Jema Pamintuan).
Ang mga sumusunod ang nagwagi sa ika-35 na taon ng Gawad Urian:
Best Picture: “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Actress: Maja Salvador “Thelma”
Best Actor : Paulo Avelino “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Director:  Alvin Yapan “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Supporting Actress: Jean Garcia “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Supporting Actor: Art Acuña “Niño”
Best Screenplay: Alvin Yapan “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Cinematography: Arvin Viola “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Production Design: Maulen Fadul “The Natural Phenomenon of Madness”
Best Editing: Lawrence Fajardo “Amok”
Best Music: Christine Muyco and Jema Pamintuan “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
Best Sound: Albert Michael Idioma and Addiss Tabong “Amok”
Best Documentary: “Tundong Magiliw”
Best Short Film: “Sirip”
Ipinagkaloob ang Natatanging Gawad Urian sa cinematographer na si Rody Lacap para sa kanyang mga pelikulang Itim, Batch ’81, Kisapmata, Oro Plata Mata, Misteryo sa Tuwa at iba pa. Binigyan siya ng pugay bilang isa sa mga henyo ng pelikula.
Ang ika-35 na Gawad Urian ay kaakibat ng Cinema One at nang Film Development Council of the Philippines. Ipapalabas ang engradeng awards night sa numero unong cable channel ng bansa. Huwag palampasin ang gabi ng pagpupugay sa Hunyo 16, 2012, 11:00 p.m. na may mga replay sa Hunyo 17, 4:00 p.m. at sa Hunyo 24, 10:00 p.m. sa Cinema One. Available ang Cinema One sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang cable operators. Para sa mga detalye tungkol sa numero unong cable channel ng bansa, mag log-on sa http://www.facebook.com/Cinema1channel.


0 comments:

Post a Comment

Welcome

 

Travel, Photographs and Lifestyle Copyright © 2010 LKart Theme is Designed by Lasantha