Si Manny Pacquiao pa rin ang Kampeon ng Bayan

Si Manny Pacquiao pa rin ang Kampeon ng Bayan



Sa tuwing papasok si Manny sa boxing ring, hindi siya nakikipaglaban para sa kanyang sarili. Kung tutuusin, hindi na rin siya nakikipaglaban para sa pera. Dahil sa tuwing papasok si Manny sa ring, nakikipaglaban siya para sa bayan.

Para kilalanin ang galing ng bawat mamamayan.

Para parangalan ang bawat Pilipinong walang tigil na sumusuporta sa ating pambansang kamao.

Dahil sa bawat suntok, dala ni Manny ang karangalan ng bawat Pilipino. Sa bawat aray, tinatamo ni Manny ang bawat paghihirap na kailangang daanan patungo sa tagumpay.

Kaya manalo man o matalo, si Manny Pacquiao pa rin ang tunay na kampeon sa aming mga puso. Kasama ng Alaxan FR, sama-sama pa rin ang buong sambayanang Pilipino sa pagkilala sa walang sawang pakikipaglaban ng pinakamagaling na boksingero ng ating henerasyon.

Aray Mo, Pacman, Galing Natin, Pilipinas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *